PianistAko Heide Abot Youtube profile PianistAko Heide Abot Google plus profile PianistAko Heide Abot Piano Files profile PianistAko Heide Abot Facebook profile PianistAko Heide Abot Twitter profile Subscribe to PianistAkOnline

Learn how to play the piano, read
notes, and other piano basics


Symbols and Terminology: Standard Notation

if you're reading this i suppose you've read the INTRODUCTION and PIANO BASICS so let's go to our next topic... inip ka na ba?! hehehe patience kapatid, patience... ^_^v


before i discuss all about music reading, you'll need to make yourself familiar with these symbols and terminology:



STANDARD NOTATION


it is the system used to read and write music. it lets composers transcribe music from sound to printed page. it is the best representation of the song(s) as the composer intended it to be played


imagine ang isang orchestra na walang pinagbabasihan na piyesa, siguro sobrang henyo nilang lahat! bravo! hahaha memorized na yung mga notes, pati dynamics, progressions, etc. etc. grabe! so, pag may gustong tumugtog ng tinugtog nila eh ASA nalang ang aabutin nun noh kasi walang piyesa hehe  ^_^v


well, hindi lahat ng tao eh may kakayanan tugtugin ang isang kanta ayon sa pagkaka-play nito gamit lang ang tenga. you might ask:


eh hindi naman pala lahat ng musicians eh marunong mag-sight read. so, bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon na matutunan kung paano basahin ang piyesa?!


oo nga naman... may tama ka... pero matanong  ko lang din, eh ano pang ginagawa mo dito?! bakit mo nga ba ito binabasa pa kung ayaw mo rin naman palang matutunan kung paano basahin yang sandamakmak na piyesang nadownload mo!?!? hahahaha 'wag mo masyadong dibdibin yung tanong ko.... namimilosopo lang po lalz ^_^v


so mabalik ako sa gusto kong sabihin... oo nga't hindi lahat ng musicians eh sight readers pero sa mga taong yun hindi naman normal ang ability ng mga tenga nila compared sa ordinaryong tao. i remember reading a topic sa isang forum about being able to play a song by sight reading a piece or playing it by ear at maraming mga sagot not only coming from an amateur musician but also professional arrangers/musicians.  importante nga ba talaga ang matutunan ang pag-sight read? in my opinion, depende kasi kung para saan. tulad ng in-example ko kanina, if you are to play with an orchestra ay utang na loob 'wag kang masyadong matapang! hindi pwede ang de-tenga dun not unless you can prove to the conductor that you can play the entire piece ( mga 8-10 minutes duration ) exactly as it's written sa piyesa... mygeleged mapupukpok ka ng contra bass kung nagkataon! haha ^_^v


knowing how to read scores thru standard notation won't hurt you. you don't have to be a fast sight reader. it's always good to be able to sight read at a basic level though. kaya nga andito kayo para matutunan kahit mga basics lang ng music reading pero remember na kahit ba sabihin mong alam mo na basahin ang mga nakalagay sa isang piyesa, na naiintindihan mo na ang mga nakalagay dito pero if you can't apply them, it's no use kaya be sure na i-apply ang mga ito. self-study kung self-study! hehe ^_^v




next... Symbols and Terminology: STAFF



PianistAkOnline Heide Abot Youtube profile PianistAkOnline Heide Abot Facebook profile PianistAkOnline Heide Abot Twitter profile

if you liked this post feel free to share...
c'mon don't be shy :)

20 kontrabulates:

redwine18 said...

ang hirap naman intindihin... di biro :((

heide abot said...

@redwine18
hindi naman talaga biro ang mag-aral ng piano at magbasa ng piyesa eh... just make yourself familiar with those kasi kung may plano kang magbasa ng piyesa, yang mga symbols na yan ang makikita mo... kaya mo yan... =)

Anonymous said...

buti nakita ko tong guide na to..heehe thanks..

heide abot said...

@Anonymous
welcome ^^.

sey.cheLLe.reysh said...

creds to you! tnx..I'll try this one:P

regis said...

uhuhuh,ndi tlaga ako mrnong mag basa ng pyesa sa piano,kassa nman oh,tas ala pa piano teacher dito sa amin,hahayzz ndi na tlga ako ma hapy nito,T_T

Bajongskie said...

Go search sa youtube meron free lessons dun like Andrew Furmanczyk search mu lang up to 40 lessons un.. If wala kana talagang choice lyk me, atleast, may qnti na aqng alam dahil sa kanyang vids and some tutorials d2..

Anonymous said...

di ko po makita yung video san po yun???yung magpaplay na di ko kasi ganu mgets yung bass clef thaks

Anonymous said...

hi im mitch. .
tnx for the lessons. . .

Anonymous said...

nosebleed hahaha.. but i'll try to learn something. sayang kasi keyboard namin alang gumagamit di kasi kami marunong tumugtog. ang alam lang nila twinkle twinkle little star hahaha. meron po bang kaung song na nakalagay lang yung pinaka pitch names? para mas madaling intindihan kaso parang toxic ata sa inyo un hehehe. tnx ==> jollibee ;)

heide abot said...

@jollibee

hahaha ganito gawin mo, yung keyboard mo lagyan mo muna ng masking tape na may mga letra... for one month ganyan ang gagawin mo okie... then read mo itong piano lessons ko dito... namnamin mong mabuti, taglish naman lessons ko and i've tried to explain it naman in layman's term so maiintindihan mo yan... after one month if you're familiar na sa keys and in reading basic notes, remove the masking tape.. continue practicing lang para maging familiar ka =)

Anonymous said...

pahelp... sana mkkakita nung music sheets ng tell me

=sham

Annny said...

Very helpful! Ako nag-aaral din ako ng piano noon. Di ako masyadong nahirapan sa introduction part kasi nakikinig talaga ako sa lessons namin sa Music when I was in Grade 4 & 5. At that time, I can read & understand notes na because of our Music class.

Kaya parang napadali ako sa pag tugtog ng piano. May iba kasi na natatagalan sa intro (reading of notes, introducing about staff, gclef,etc) ehehehe...

Share ko lang... ",)

Unknown said...

tnx..s site n2!
eager po tlga aqng m22 ng piano..
ang cute ng discussion prng conversation lng!
2 thumbs up

Jehanna said...

ate heide.. kapag naka grade one kana madami knang magagandang piyesa na matugtog?? please answer my question! thanks!

heide abot said...

@Annny
mas madaling matuto if nakakaintindi na. madali lang naman talaga yung basics ng music theory, application lang ang mejo sakit sa ulo sa iilan :)

@sweet@sorrow
walang anuman :)

@Jehanna
beginner/grade one more on basic stuffs ito, ineestablish palang dito yung rhythm, dynamics, basta basics ng theory/sight reading. kumbaga, sa level na ito, nagsisimula ka palang mag-adapt/adjust sa lahat ng nalalaman mo.

Unknown said...

Buti nalang may taong may ginintuang kalooban ang gumawa ng ganitong klaseng tutorial tungkol sa piano, tagalog kaya madaling intindihin at HINDI boring kasi medyo nakakatawa yung teacher natin dito parang nakikipag daldalan lang pero nakakatulong at may sense =) at dahil dyan..... ETO ANG JACKET AT CELLPHONE!! haha :D thank you po Ms. Heide Abot PianistKaNga! sana Maging PianistDinAko!

Unknown said...

Buti nalang po at may taong katulad mo na may ginintuang puso na nag bahagi ng iyong mga nalalaman tungkol sa pag papatugtog, gamit, andar, etc. ng piano dahil gustong makatulong sa mga hindi marunong at gustong matuto magpatugtog, gumamit, magpaandar, etc. ng piano. haha dahil po dyan ETO ANG JACKET AT CELLPHONE!! haha. Salamat po dahil ginawa po ninyong tagalog yung tutorial nyo po para po mas higit naming maintindihan yung itinuturo nyo po bukod po sa interes ko po na matuto magpatugtog, gumamit, magpaandar, etc. ng piano ay mas sinisipag pa po ako dahil parang nakikipag daldalan lang po kayo sa akin pero nakakatulong at may sense po ang sinasabi nyo dahilan para mas maintindihan ko po yung itinuturo po ninyo. salamat po ng marami Ms.Heide Abot para po sa effort mo po sa pag tuturo sa amin at sa malasakit na rin po sa mga taong mahilig sa libre tulad po nila... osige ako na rin pala. salamat po ng marami kung kapit bahay o kaklase lang po kita malamang ililibre kita ng burger / drinks. thank you po PianistKaNga! motivated na motivated po talaga ako makailang linggo ko na rin po pilit iniintindi at binabasa yung libro tungkol sa piano english po kasi balang araw po sa tulong mo ay MagigingPianistDinAko! at mabibigyang katuparan ang aking pangarap na maging piloto hahaha!
Lubos na gumagalang,
Darwin :D

Unknown said...

"Ang iyong komento ay makikita matapos ang pag-apruba" pambihira! bat di ko napansin yun nung una kong comment?! inulit ko pa tuloy! hahahaha!! XD

heide abot said...

@darwin kay

lol kaya nga nagtataka ako bakit may prompt sa email ko sunod-sunod comments from you nyahahaha you're welcome and goodluck sa pag-aaral ^_^v

kindly ATLEAST leave a NAME or CODE NAME (lagay mo shaider hehe) don't just use ANONYMOUS so that i can reply/answer your queries etc. directly...

for questions, corrections and clarifications, violent reactions feel free to leave your message here or at my message board PianistAkOnline Live!

thank you. xie xie. arigato. kam sah hamnida. gracias. salamat ^_^